MANILA, Philippines – Wagi ng P31.9 milyon ang isang solong mananaya matapos tamaan ang jackpot sa Lotto 6/42.
Sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes (PCSO) nitong Huwebes, Agosto 13 ay nakuha nito ang winning combination sa Lotto 6/42 na 20-21-14-41-06-12 para sa jackpot na ₱31,911,511.47.
Wala namang nanalo sa Superlotto 6/49 sa tamang numero na 03-39-38-23-26-14 at may jackpot na ₱25,165,541.16. RNT/JGC