MANILA, Philippines – Wagi ang isang solong mananaya sa jackpot ng Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P86.3 milyon sa draw ng PCSO nitong Sabado ng gabi, Setyembre 6.
Tinamaan nito ang winning numbers para sa Lotto 6/42 na 08-39-07-38-02-09, sa jackpot prize na P86,346,740.60.
Wala namang tumama sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 na P126,391,514.80. Ang winning numbers para rito ay 29-04-34-20-01-48. RNT/JGC