Home METRO Lotto outlet sa Caloocan ginagamit sa illegal numbers game; teller arestado

Lotto outlet sa Caloocan ginagamit sa illegal numbers game; teller arestado

1
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang teller ng awtorisadong lotto outlet sa Caloocan City matapos umano itong mahuling tumatanggap ng taya para sa illegal numbers game.

Isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at National Bureau of Investigation (NBI) ang operasyon nitong Miyerkules, Nobyembre 4, sa isang lotto outlet sa Camarin Road, Almar, Caloocan City.

Ayon sa PCSO, nagsagawa muna ng surveillance at test-buy ang mga operatiba ng NBI Fraud and Financial Crimes Division matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal gambling activities sa establisimyento.

Sa operasyon, nadiskubre umano ng mga awtoridad na nagbibigay ang outlet personnel ng unauthorized betting tickets at tumatanggap ng bayad sa labas ng official lotto terminal system.

Inaresto ang teller matapos umano itong magbigay ng illegal betting slip sa isang undercover operative.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang ₱5,000 na bet money, isang unauthorized betting ticket at mobile phone na umano’y ginagamit sa point-of-sale transactions.

Narekober din ang ilang computer equipment, scanner, printer, network modem, thermal receipt paper at mga ticket roll para sa iba’t ibang lotto games.

Kabilang dito ang ticket rolls para sa 3D Lotto, Grand Lotto 6/55, Super Lotto 6/49 at 6D Lotto.

Sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles na mahigpit ang kanilang polisiya laban sa illegal gambling at maling paggamit ng mga awtorisadong lotto outlet.

“Every peso spent on legitimate PCSO games goes directly toward funding essential health programs, medical assistance, and charitable services for Filipinos nationwide,” ani Robles.

Dagdag niya, patuloy na paiigtingin ng PCSO at NBI ang monitoring sa mga lotto outlet upang mapigilan ang illegal gambling activities at maprotektahan ang government revenues.

Pinaalalahanan din ng PCSO ang publiko na tumaya lamang sa mga authorized lotto terminal at i-report ang mga outlet na nagbibigay ng kahina-hinalang betting receipts o tumatanggap ng bayad sa unauthorized channels. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here