Home METRO ‘Love train’ ng MRT-3 umarangkada bago mag-Valentine’s Day

‘Love train’ ng MRT-3 umarangkada bago mag-Valentine’s Day

Larawan kuha ni Danny Querubin

MANILA, Philippines- Para sa buong buwan ng Pebrero, kilala rin bilang Love Month, mayroong alok na espesyal para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3, ayon sa ulat.

Bukod sa mga upuang may dekorasyong tila nasa parke, pinalamutian ng MRT-3 management ang tren ng makukulay na bulaklak at mga puso.

Gayundin, mababasa sa loob ng tren ang ilang love quotes, pick up lines at wordplay ng ilang istasyon tulad ng “I can Shaw you the world,” at “Ayalabyu” para sa Shaw at Ayala stations.

Upang makumpleto ang “V-Day feels,” namahagi rin ang MRT-3 staff ng mga tsokolate sa mga pasahero.

Samantala, kamakailan ay nag-viral sa social media ang marriage proposal sa MRT-3.

Anang magkasintahang sina Mack at Yen, pumunta lamang sila roon para sa isang photo op upang ipakita ang Valentine’s Day decor subalit may ibang plano pala si Mack.

“Ang sarap lang po sa feeling na may kaya palang talagang panindigan ka, meron talagang tao na mag-stay dyan sa iyo kahit ang hirap hirap mo nang intindihin,” ani Yen Flores sa isang panayam.

“Thank you, love, I love you!” aniya sa pagtanggap ng proposal ni Mack. 

Samantala, hinggil sa dagdag-pasahe, sinabi ni MRT-3 Officer-In-Charge Jorgette Aquino na ipatutupad ito sa summer season, kahit na pinetisyon ito para sa Disyembre.

“Sa MRT, may right timing,” wika ni MRT-3 Officer-In-Charge Jorgette Aquino.

“Ang expectation namin is mga end of April, middle of May, implementation, kahit maaprubahan ang aming proposal magiging mababa pa rin tayo actually sa mga aircon buses,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleAmihan, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas
Next articlePatay sa Maco landslide 11 na; 110 nawawala