Home HOME BANNER STORY Patay sa Maco landslide 11 na; 110 nawawala

Patay sa Maco landslide 11 na; 110 nawawala

MANILA, Philippines- Umakyat na ang bilang ng nawawalang indibidwal mula sa landslide na tumama sa Maco, Davao de Oro nitong linggo sa 110, ayon sa ulat nitong Huwebes, habang narekober ng rescuers ang ilan pang bangkay, na nagdala sa official death toll sa 11, ayon sa disaster officials.

Naganap ang landslide nitong Martes ng gabi, kung saan natabunan ng lupa ang mga tahanan at dalawang bus, na ayon sa provincial official ay may sakay na mahigit dalawang dosenang pasahero.

Pumalo naman sa 110 ang bilang ng nawawala mula sa 40 na naunang iniulat, ayon sa disaster agency ng Maco sa post nito sa social media account, at idinagdag na mahigit 1,166 pamilya ang lumikas mula sa kanilang tahanan.

Sinalanta ng malakas na ulan ang Davao de Oro sa mga nakalipas na linggo, nagdulot ng baha at pagguho ng lupa.

Ani Colonel Rosa Ma Cristina Rosete-Manuel, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng militar, umaasa ang rescuers na marami pang mahahanap na survivors.

“We are trying to remain positive,” wika niya. RNT/SA

Previous article‘Love train’ ng MRT-3 umarangkada bago mag-Valentine’s Day
Next articleNumber coding suspendido ngayong Biyernes, Peb. 9, 2024 – MMDA