Home METRO Number coding suspendido ngayong Biyernes, Peb. 9, 2024 – MMDA

Number coding suspendido ngayong Biyernes, Peb. 9, 2024 – MMDA

MANILA, Philippines- Suspendido ang number coding scheme sa Metro Manila ngayong Biyernes, February 9, 2024, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Sa official account nito sa X (dating Twitter) nitong Huwebes, sinabi ng MMDA na suspendido ang expanded number coding scheme ngayong Biyernes para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

Idineklara rin ang February 9 bilang special non-working day. 

Ipinagbabawal ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), mas kilala bilang expanded number coding scheme, ang ilang sasakyan sa EDSA at iba pang thoroughfares sa National Capital Region isang araw kada linggo tuwing alas-7 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi, depende sa huling numero ng license plate.

Bawal ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2 tuwing Lunes; 3 at 4 tuwing Martes; 5 at 6 tuwing Miyerkule; 7 at 8 tuwing Huwebes; at 9 at 0 tuwing Biyernes. RNT/SA

Previous articlePatay sa Maco landslide 11 na; 110 nawawala
Next articleNet satisfaction ratings nina Marcos, Duterte bahagyang tumaas sa Q4 2023 – sarbey