Home NATIONWIDE Abalos sa kanselasyon ng pasaporte ni Teves: No one can escape justice

Abalos sa kanselasyon ng pasaporte ni Teves: No one can escape justice

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang kanselasyon ng pasaporte ni dating Negros Oriental representative
Arnolfo “Arnie” Teves Jr., sa pagsasabing walang makatatakas sa hustisya.

Sa sidelines ng cleanup drive sa Malabon City, hiningan ng komento si Abalos tungkol sa kautusan ng Manila Reginal Trial Court (RTC) Branch 51 na kanselahin ang pasaporte ni Teves.

Inatasan din ng korte ang National Bureau of Investigation na tignan ang mga angkop na hakbang upang maibalik si Teves sa bansa.

“Well ganito lang ‘yan. ‘Yung tungkol sa pagkansela ng passport ni Mr. Teves, tandaan niyo ito, walang makakaligtas sa hustisya,” ani Abalos.

“Tandaan niyo ‘yan, sooner or later maski saan ka magtago hahanapin ka ng batas at mananagot ka sa mga kasalanan mo at yan ang sinasabi sa ating mga kababayan,” dagdag ng opisyal. RNT/JGC

Previous article35 sugatan sa tumagilid na bus sa Negros
Next article68 katao nawalan ng tirahan sa sunog sa Cabuyao