MANILA, Philippines- Nangako ang defense chief mula sa mga bansa ng Estados Unidos, Australia, Japan at Pilipinas na mas palalalimin pa ang pagtutulungan, kung saan nagsama-sama ang mga ito sa Hawaii para sa kanilang ikalawang joint meeting sa gitna ng alalahanin hinggil sa operasyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
Ang pagpupulong ng apat na bansa ay matapos ang kanilang unang joint naval exercises noong nakaraang buwan sa South China Sea, isang “major shipping route” kung saan ang Beijing ay mayroong long-simmering territorial disputes sa ilang Southeast Asian nations at nagdulot ng pagkaaalarma ang kamakailan lamang na panggigiit sa katubigan.
Sinabi naman ni U.S. Defense Secretary Lloyd Austin na ang drills ay naglalayong palakasin ang abilidad ng mga bansa na magtulungan, patatagin ang pagkakaisa sa kanilang pwersa at bigyang-diin ang kanilang “shared commitment” sa international law sa “waterway.”
Sinabi naman ni Australian Defense Minister Richard Marles na pinag-usapan ng mga defense chief ang ukol sa pagpapataas ng tempo ng kanilang defense exercises.
“Today, the meetings that we have held represent a very significant message to the region and to the world about four democracies which are committed to the global rules-based order,” ayon kay Marles sa joint news conference kasama ang kanyang mga counterparts.
Si Austin ang nag-host sa mga defense chief sa U.S. military’s regional headquarters, U.S. Indo-Pacific Command, sa Camp H.M. Smith sa burol na nasa itaas ng Pearl Harbor. Kris Jose