Home METRO P145.5M shabu nasamsam sa guro, 3 pa

P145.5M shabu nasamsam sa guro, 3 pa

ZAMBOANGA- Umabot sa P145.5 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nakadakip ng apat na suspek noong Huwebes sa Zamboanga Peninsula.

Kinilala ang mga suspek na sina Wilson Sahiban, alyas Tulo, 25; Jun Jimar Hajili Aiyob, 29; Jimy Sahibul, 30, at Abdurahman Abdul Hakim, 27.

Sinabi ng pulisya na ang isa mga suspek ay guro sa pampublikong paaralan sa Zamboanga.

Batay sa report, sinalakay ng mga awtoridad noong Huwebes ang isang apartment sa Barangay Mampang Zamboanga City.

Nakuha sa mga suspek ang 21.4 kilo ng shabu at .45 caliber pistol na may mga bala.

Ayon kay PDEA-9 Regional Director Director III Maharani Gadaoni-Tosoc, ito ang pinakamalaking halaga shabu na nakumpiska sa buong rehiyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs at illegal possession of firearms ang mga suspek. Mary Anne Sapico