Home METRO 35 sugatan sa tumagilid na bus sa Negros

35 sugatan sa tumagilid na bus sa Negros

MANILA, Philippines – Sugatan ang 34 na pasahero nang tumagilid ang isang bus sa Sitio Bandihan, Barangay Salong, Kabankalan City, Negros Occidental nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 9.

Ayon kay Police Lt. Col. Roberto Indiape Jr., Kabankalan police chief, huminto ang bus sa pataas na bahagi ng kalsada para bumaba ang inspektor nito.

Kalaunan ay bigla na lamang umatras ang bus dahilan para magpreno ang drayber.

Hindi nagawang mapahinto ng drayber ang minamanehong bus dahil sa mechanical trouble hanggang sa tuluyan nang tumagilid.

Ani Indiape, bumibiyahe ang bus mula sa city proper patungo sa Barangay Bantayan nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo ng minor injuries ang 34 na pasahero at konduktor ng bus na agad dinala sa ospital.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang drayber ng bus. RNT/JGC

Previous articlePuganteng South Korean na wanted sa drugs, telco fraud arestado ng BI
Next articleAbalos sa kanselasyon ng pasaporte ni Teves: No one can escape justice