Home NATIONWIDE 68 katao nawalan ng tirahan sa sunog sa Cabuyao

68 katao nawalan ng tirahan sa sunog sa Cabuyao

MANILA, Philippines – Sumiklab na naman ang isa pang sunog sa Cabuyao City, Laguna nitong Biyernes, Pebrero 9.

Nagresulta ito sa pagkawala ng tirahan ng aabot sa 68 katao.

Sa ulat nitong Sabado, Pebrero 10, sinabi ng Region 4A Police na nagsimula ang sunog 3:10 ng hapon sa Barangay Bigaa kung saan tinupok ng apoy ang limang tirahan na gawa sa light materials.

Wala namang naitalang nasawi o seryosong nasaktan sa insidente.

Pansamantalang tumutuloy sa basketball court ng barangay ang mga biktima.

Matatandaan na noong Pebrero 1 ay nasunog naman ang pagawaan ng paputok sa kaparehong bayan na nagresulta sa pagkasawi ng limang indibidwal. RNT/JGC

Previous articleAbalos sa kanselasyon ng pasaporte ni Teves: No one can escape justice
Next articleBIR nakakolekta ng P2.5T buwis noong 2023