Home METRO Tserman utas sa suwag ng Montero ng pulis

Tserman utas sa suwag ng Montero ng pulis

ILOCOS SUR- Patay ang isang 40-anyos na tserman ng barangay matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa nakasalubong na Mitsubishi Montero sa Brgy. Labut Sur, Santa ng lalawigang ito kaninang umaga.

Kinilala ng Santa Municipal Police Station ang nasawi na si Jerome Bueno IV y De Peralta, may asawa, Brgy. Captain, residente ng Brgy. Rizal, Santa, Ilocos Sur.

Kinilala naman ang driver ng kulay gray na Mitsubishi Montero na si PEMS Adelio Dela Guardia y Leano, 49, may asawa, PNP member, naka-assign sa IMEG Luzon Field Unit, residente ng Brgy. Casantaan, Urdaneta City, Pangasinan.

Base sa nakuhang CCTV footage ng mga personnel ng Santa MPS, ang motorsiklo ay bumibyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa nabanggit na lugar samantalang ang Mitsubishi Montero naman ay papunta ng opposite direction.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, ang motorsiklo ay nag-overtake sa sinusundan nitong sasakyan kaya nasakop nito ang linya ng Mitsubishi Montero na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Ang driver ng motorsiklo ay nagtamo ng fatal injuries at idineklarang itong dead on the spot ni Dr. Marilou Cardenas, Municipal Health Officer ng RHU-Santa.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Mitsubishi Montero. Rolando S. Gamoso