Home NATIONWIDE Netherlands Queen Máxima bibisita sa Pinas sa susunod na linggo

Netherlands Queen Máxima bibisita sa Pinas sa susunod na linggo

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG bumisita sa Pilipinas sa susunod na linggo si Queen Máxima ng Netherlands.

Layon ng kanyang pagbisita ang tumulong na maisulong ang financial inclusion.

Ang Dutch royalty ay ba-byahe patungong Pilipinas sa sarili nitong kakayahan dahil ang United Nations Secretary-General’s Special Advocate for Inclusive Finance for Development (UNSGSA) ay mula May 21-23.

Ang kanyang pagbisita ay nakatuon sa pagsusulong sa mga mahalagang “foundational building blocks” para sa financial inclusion kabilang na rito ang “connectivity, digital identification, at digital payments” at maging ang pagpapahusay sa “financial health at resilience” laban sa economic and climate-related challenges para sa mga Filipino.

“By sharing insights and forging connections between global financial initiatives and local realities, the UNSGSA visit aims to inspire continued progress and innovation in the Philippines’ financial sector,”ang sinabi ng tanggapan nito.

Makakapulong naman ng special advocates sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Finance Secretary Ralph Recto, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Dr. Eli Remolona Jr., at iba pang mga mahahalagang policymakers at lider sa bansa at maging si Asian Development Bank (ADB) president Masatsugu Asakawa para ma-explore ang “collaborative opportunities” sa regional level.

Binigyang diin ng tanggapan ni Queen Máxima ang “considerable progress” ng Pilipinas sa financial access sa mga nakalipas na taon, na may proporsyon ng mga adults na nagmamay-ari ng bank bank account na tumaas mula 26.6% noong 2011 hanggang 51.4% 2021, gaya ng naiulat ng World Bank Global Findex.

“However, despite these gains, the Philippines remains among the world’s top 10 countries with the highest number of unbanked adults at approximately 37.6 million,” ayon pa rin sa World Bank Global Findex.

Tinuran pa rin nito ang “significant concerns” na binigyang-diin ng Findex data ukol sa financial resilience sa mga filipino.

Makikita rin sa data na ang primary financial na ikinabahala ng 42% na adults ay sakop ang medical costs sa pagkakaroon ng serious illness o aksidente, sinundan ng mga alalahanin sa pamamahala sa monthly expenses (24%) at pag-secure ng pondo para sa mga matatanda (17%).

Sa panahon ng kanyang byahe sa Pilipinas, magkakaroon si Queen Máxima ng field visits sa Maynila at sa mga nakapaligid na lugar upang marinig mismo mula sa financial services users ang tungkol sa innovations na may makabuluhang epekto sa kanilang buhay, lalo na sa nagpapahusay sa kanilang financial health.

Makauugnay nito ang public at private sector leaders para pag-usapan ang suporta sa kanilang pagpapalawak.

Titigil din si Queen Máxima sa komunidad ng mga mangingisda para i-explore ang last-mile financial solutions na makatutugon sa tinatawag na ‘unique challenges” na kinahaharap ngayon ng ‘remote island settings.’

Samantala, matatandaang binisita rin ng UNSGSA ang Pilipinas mula Hunyo 29 hanggang Hulyo 1 noong 2015. Kris Jose