Home METRO 3 patay sa salpukan ng 2 motor, SUV

3 patay sa salpukan ng 2 motor, SUV

CAUAYAN CITY, Isabela- Patay ang tatlong indibidwal sa persons sa banggaan ng dalawang motorsiklo at Sports Utility Vehicle sa Barangay Minante 1 sa lugar na ito nitong Linggo.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktimang sina Aurelio Cacot, driver ng Honda Click 125 motorcycle, at kanyang angkas na si Richard Cacot, at Eddie Martin, driver ng Honda TMX motorcycle, kapwa residente ng Barangay Marasat Pequeño, San Mateo, Isabela.

Batay sa imbestigasyon, bigla na lamang lumipat ang SUV na minamaneho ni Kim Cacayan, 24, residente ng Barangay Imelda Bliss Village, City of Ilagan, Isabela, sa kabilang lane at bumangga sa dalawang motorsiklo.

Nagtamo ang mga biktima ng malalang sugat at dinala sa ospital kung saan sila idineklarang patay.

Nadakip naman ng mga awtoridad si Cacayan at mahaharap sa mga kasong multiple homicides at property damage.

Ayon sa kapulisan, ang mitsa ng aksidente ay  human error dahil inaayos umano ni Cacayan ang kanyang seatbelt habang minamaneho ang SUV kaya bumangga sa dalawang motorsiklo. RNT/SA