Home METRO Net satisfaction ratings nina Marcos, Duterte bahagyang tumaas sa Q4 2023 –...

Net satisfaction ratings nina Marcos, Duterte bahagyang tumaas sa Q4 2023 – sarbey

MANILA, Philippines- Nakakuha sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ng mas mataas na net satisfaction ratings sa pagtatapos ng 2023, batay sa resulta ng 4th quarter Social Weather Stations (SWS) survey.

Iprinisenta ni SWS vice president Jay Sandoval ang survey results sa SWS Survey Review nitong Huwebes.

Batay sa resulta, nakakuha si Pangulong Marcos ng +47 net satisfaction rating, na tinukoy ng SWS bilang “good.”

Ani Sandoval, bahagyang mas mataas ang kasalukuyang rating ng Pangulo kumpara sa +44 noongSeptember 2023, na itinuturing ding “good.”

Ang net satisfaction rating ay ang “difference between those who were satisfied and those who were dissatisfied” sa trabaho ng partikular na government official.

Batay sa SWS, ang net satisfaction ratings na hidi bababa sa least +70 ay maituturing na “excellent,” +50 hanggang +69 na “very good,” +30 hanggang +49 na “good,” +10 hanggang +29 na “moderate,” +9 hanggang -9 na “neutral,” -10 hanggang -29 na “poor,” -30 hanggang -49 na “bad,” -50 hanggang -69 na “very bad,” at -70 o mas mababa bilang “execrable.”

“The general observation here is that there seems to be honeymoon ratings for the different presidents that we have had. Honeymoon meaning they started high and tend to end up having lower net satisfaction ratings,” ani Sandoval.

Nakita rin ito sa ratings ng mga dating Pangulo na sina Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, at Benigno “Noynoy” Aquino III.

Samantala, inihayag ni Sandoval na tumaas din ang net satisfaction ni Vice President Duterte, mula +57 noong September 2023 sa +61 noong December 2023.

Sa nasabing survey review, inilahad ng SWS ang net satisfaction ratings ng iba pang high-ranking government officials, kabilang sina Senate President Juan Miguel Zubiri (+44), Speaker Martin Romualdez (+28), at Chief Justice Alexander Gesmundo (+32).

Isinagawa ang Fourth Quarter 2023 SWS survey mula Dec. 8 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.

Ang sampling error margins ay ±2.8 percent para sa national percentages, at ±5.7 percent sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. RNT/SA

Previous articleNumber coding suspendido ngayong Biyernes, Peb. 9, 2024 – MMDA
Next articleAgri damage sa El Niño sumampa sa P151.3M