MANILA, Philippines- Halos 77,000 miyembro at pensioners ng Government Service Insurance System (GSIS) mula sa 13 lugar sa bansa na apektado ng rabies at ng El Niño ang maaari nang mag-apply para sa emergency loans.
Sa isang news release nitong Martes, sinabi ng GSIS na kabuuang P1.7 bilyon ang inilaan para sa inisyatiba.
Kabilang sa mga kwalipikadong aplikante ang mga miyembrong naninirahan o nagtatrabaho sa Buenavista, Marinduque, kung saan naiulat ang tumataas na kaso ng rabies.
Kabilang din ang mga miyembrong apektado ng El Niño sa Catbalogan City sa Western Samar; Cordova, Naga City, at Toledo City sa Cebu; Iloilo City; Buenavista a Guimaras; Bayawan City at Sta. Catalina sa Negros Oriental; Antique; Basilan; at Datu Piang at Sultan sa Barongis sa Maguindanao Del Sur.
Inihayag ng GSIS na maaaring humiram ang mga miyembro at pensioners hanggang P40,000 upang mabayaran ang nakaraang loan at maaaring makatanggap ng maximum net amount na P20,000, habang ang mga walang loan ay maaaring mag-apply para sa hanggang P20,000 na loan.
“Their net take-home pay should not be less than PHP5,000 as required by the General Appropriations Act. Meanwhile, old-age and disability pensioners must have a net monthly pension that is at least 25% of their gross pension,” paalala ng GSIS.
Maaaring magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Touch, na may deadline of submission sa June 7 para sa Luzon areas, May 31 para sa Visayas, at June 1 para sa Mindanao. RNT/SA