Home ENTERTAINMENT Joshua, umaming asiwa sa love scenes!

Joshua, umaming asiwa sa love scenes!

1
0

Manila, Philippines – Ang dapat sana’y at home na sa paggawa ng love scenes given his 12 years in the business ay hindi pala–sa kaso ni Joshua Garcia.

Mismong ang aktor ang umaming ‘di siya kumportable at all.

Napag-usapan kasi ang malinit nilang eksena ni Ivana Alawi sa Love is Never Gone, ABS-CBN’s latest serye.

Awkward is how Joshua describes taking off his clothes in front of the cameras for a love scene.

“Showing my body, I find it uncomfortable. Ang hirap nu’n, ha?” pag-amin ng aktor na lagi palang may bilin sa mga cameraman.

At ano?

Iwasan daw mahagip ng lente ang kanyang tiyan!

Ang nangyayari, sinusuway daw ng mga ito ang instructions ng direktor dahil natimbrehan na sila ni Joshua.

Sa eksena nila ni Ivana, idinaan na lang daw ‘yon ni Joshua sa puso:

“Iniisip ko na lang as if totoo ‘yung ginagawa naming eksena!”

Successful naman daw ang kinalabasan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here