Home METRO Dayuhan niratrat ng 2 gunmen

Dayuhan niratrat ng 2 gunmen

100
0

MANILA, Philippines- Pansamantalang nilalapatan ng lunas sa pinakamalapit na ospital ang isang dayuhan, matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang gunmen kagabi sa Barangay San Antonio, San Pascual, Batangas.

Kinilala ng San Pascual Police Station ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa parte ng katawan na kasalukuyang ginagamot sa San Antonio Lifecare Hospital na si Nowyed Azim, 35, tubong Bangladesh at pansamantalang naninirahan sa Mahogany Place Kayumanggi Lipa City .

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6 kagabi, habang ang biktima ay lulan ng electronic bike na patungong Bauan, Batangas ay bigla umano itong pinagbabaril ng isa sa dalawang hindi nakilalang suspek na kapwa lulan ng isang kulay berdeng Sniper 150 motorcycle.

Napag-alaman na ang dalawang suspek na pawang nakasuot ng helmet at jacket ay mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Batangas City matapos ang krimen.

Samantala, patuloy naman ang manhunt operation ng San Pascual Police Station para sa agarang ikadarakip ng dalawang suspek at inaalam pa ang motibo ng pamamaril sa dayuhan. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here