Home METRO 6 wanted, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Caraga

6 wanted, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Caraga

1
0

CARAGA, Philippines – Arestado ang anim na wanted person, kabilang ang dalawang most wanted sa Bislig City, Surigao del Sur, sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Caraga Region nitong Biyernes, Nobyembre 27.

Ayon kay Police Regional Office 13 Director Brig. Gen. Rolindo M. Suguilon, nadakip ng mga tauhan ng Bislig City Police Station ang itinuturing na number one most wanted sa lungsod na kinilalang alyas “Nelly,” 31-anyos, residente ng Barangay Tabon.

May warrant of arrest si Nelly dahil sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga. Walang inirekomendang piyansa sa kasong pagbebenta ng droga, habang P200,000 naman ang itinakdang piyansa sa kasong possession of dangerous drugs.

Sa hiwalay na operasyon, nadakip din ng Bislig police ang number two most wanted sa lungsod na si alyas “Tsip,” 42-anyos, residente ng Barangay Mangagoy. Nahaharap siya sa tatlong bilang ng kasong pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga, na walang inirekomendang piyansa.

Apat pang pugante ang naaresto sa magkakahiwalay na manhunt operation sa rehiyon.

Sa Surigao del Sur, dinakip ng Tandag City Police Station ang isang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa batas laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata, na may inirekomendang piyansang P72,000. Arestado rin ng Tago Municipal Police ang isa pang suspek na nahaharap sa kaparehong kaso, na may P3,000 na piyansa.

Sa Surigao City, inaresto ang isang suspek na may dalawang bilang ng kasong estafa, na may piyansang P2,000 sa bawat kaso.

Samantala, dinakip naman ng Butuan City Police Station 4 ang isang residente dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod, na may inirekomendang piyansang P2,000.

Nasa kustodiya ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang anim na suspek habang hinihintay ang pagsasauli ng mga warrant of arrest sa mga korte na naglabas nito.

“PRO13 continues to intensify our efforts in tracking down wanted individuals and ensuring that those who have pending warrants of arrest are brought before the law, as part of our commitment to maintaining peace and order throughout the Caraga Region,” ani Suguilon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here