Home HOME BANNER STORY Agri damage sa El Niño sumampa sa P151.3M

Agri damage sa El Niño sumampa sa P151.3M

MANILA, Philippines- Nagtamo ang Philippine agriculture sector ng P151.3 milyong halaga ng pinsala at pagkalugi dahil sa umiiral na El Niño, kahit na hindi pa nararanasan ng bansa ang peak ng dry spell.

Kumpara ang pinakabagong estimate na inilabas ng Department of Agriculture (DA) sa P109.4 milyong pagkalugi sa pagtatapos ng Enero, saklaw ang 6,618 metric tons ng palay (unmilled rice) at mais sa halos 3,291 ektarya.

Ayon pa sa pagtataya, mayroong halos 3,923 magsasaka sa Western Visayas at sa Zamboanga Peninsula na apektado. Wala pang mas detalyadong impormasyon ukol dito.

“Most of the damage and losses were incurred on rice and corn that are on their reproductive stage,” batay sa bulletin sa pahayag ng DA nitong Miyerkules.

Opisyal na inanunsyo ng state weather bureau PAGASA ang pagsisimula ng El Niño noong July 2023, kung saan inaasahan ng World Meteorological Organization (WMO) na tatagal ito “until at least April 2024,” at inaasahan ng National Irrigation Administration (NIA) ang 1.5-million metric ton (MT) na pagkalugi sa palay o unmilled rice.

Bilang tugon, sinabi ng DA na naglaan ito ng P1 milyon upang asistihan ang mga magsasaka kabilang ang pamamahagi ng vegetable seeds sa Western Visayas, at pagbili ng planting materials para sa high-value crops na nangangailangan ng mas kaunting tubig sa Zamboanga Peninsula.

Inihayag ng DA noong Disyembre na sinimulan nitong magpatupad ng mga panukala tulad ng cloud-seeding operations upang ibsan ang epekto ng dry spell sa food production.

Batay sa datos ng gobyerno, lumago ang value of production sa agriculture at fisheries ng 0.7% sa ika-apat na quarter ng 2023, na nagdala sa full-year production ng 0.7%. RNT/SA

Previous articleNet satisfaction ratings nina Marcos, Duterte bahagyang tumaas sa Q4 2023 – sarbey
Next articleCALAX maniningil ng toll sa Silang Interchange mula Peb. 10