Home NATIONWIDE El Niño agri damage reports beripikado, walang underreporting – DA

El Niño agri damage reports beripikado, walang underreporting – DA

MANILA, Philippines – Sumailalim sa beripikasyon ang lahat ng agricultural damage reports sa El Nino na isinapubliko ng Department of Agriculture.

“Walang underreporting, lahat ng damage na nare-report sa amin, after careful validation, nire-report iyan at nilalabas,” pahayag ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa ambush interview.

Ang pahayag ng opisyal ay kasunod ng sinabi ni dating agriculture chief Leonardo Montemayor kaugnay sa ulat na posibleng bumaba ng 30% ang sugar production sa Negros Occidental.

Ani De Mesa, biniberipika pa ang ulat sa mga taniman ng tubo, at ipinaliwanag na mahigpit na bineripika ang damage report noong katapusan ng Abril upang maiwasan ang misinformation.

“Ang DA, maingat sa mga datos,” sinabi ng opisyal.

Ayon sa Bulletin No. 9, nagtamo na ng P5.9 bilyong halaga ng agricultural damage ang bansa dahil sa El Nino. Pinakanapuruhan dito ang rice sector sa P3.14 bilyon.

Sinundan ito ng production loss sa mais sa corn P1.76 billion; high-value crops sa P958.06 million; P33.83 million sa fisheries, apektado ang 2,261 mangingisda; P7.93 million sa livestock at poultry; at cassava sa P3.25 million.

Naitala naman sa Mimaropa region ang pinakamalaking pinsala sa agrikultura dahil sa El Nino.

Sinundan ito ng Western Visayas sa P1.5 billion; Cordillera Administrative Region sa P768 million; at Cagayan Valley sa P562 million. RNT/JGC