Home METRO Kelot todas sa kapatid na parak; suspek nagpatiwakal

Kelot todas sa kapatid na parak; suspek nagpatiwakal

ZAMBOANGA CITY- Away-lupa ang tinitingnang motibo sa pagbaril-patay ng isang kasapi ng maritime police saka naman sunod na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Angelo Bani Daniel at Police Staff Sgt. Ferdinand Bani Daniel, kapwa residente ng Don Alfaro Street Barangay Tetuan, Zamboanga City.

Batay sa paunang report ng pulisya, gabi ng Pebrero 7, 2024 naganap ang krimen sa loob ng bahay ng magkapatid na Daniel.

Base sa salaysay ng mga kapitbahay na nakasaksi sa pangyayari, narinig nilang nagtatalo ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay at makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na lamang sila ng putok ng baril.

Dito, nakita nilang duguang bumulagta sa sahig si Angelo saka naman nagbaril sa ulo si Ferdinand na naging sanhi ng kanilang agaran kamatayan.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, matagal nang may alitan ang magkapatid hinggil sa bahay at lupa ng kanilang tiyuhin.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico

Previous articleDalagita patay sa ‘pangit’ na chatmate
Next articleMGA KULAY NG CHINESE NEW YEAR