Home OPINION MGA KULAY NG CHINESE NEW YEAR

MGA KULAY NG CHINESE NEW YEAR

TUWING sasapit ang panahon ng Chinese New Year, lumulutang ang kulay ng pula na parol o lantern kaya naman ay sobre o ampaw. Dahil kapalaran ang siyang sentrong kultura ng mga Tsino, dapat nating malaman na hindi nakasalalay sa gamit ang magandang kapalaran kundi nasa kulay.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Kung Hei Fat Coi” ay ibabahagi ko sa inyo ang mga masuwerteng kulay ng taong ito.

Mainit na pula o Flaming red – ang pinakapaboritong kulay ng mga Chinese sapagkat ito ay sumisimbolo ng kaligayahan, tagumpay, at mabuting kapalaran. Hindi kumpleto ang isang pagdiriwang kung walang kulay na pula.

Ang mga estudyante ay maaaring gumamit ng pulang panyo sa kanilang mga pagsusulit, at ang mga lokal na negosyante ay maaaring maglagay ng mga pulang parol sa kanilang mga tindahan.

Malambot na Dilaw o Silky Yellow – dahil batay sa tra­disyon, ang unang Emperador ng China ay nagdamit ng dilaw na kasuotan, kaya ang mga dinastiya na sumunod ay nagtayo ng mga dilaw na templo at kalsada. Kung gusto mong magmukhang royal sa mga importanteng pulong, dapat na magsuot ng dilaw.

Berde na Esmeralda o Emerald Green – ay sumisimbolo ng kayamanan, kasaganaan, at paglago. Ang pagsusuot ng berdeng damit ay maaaring makatulong sa iyo na maiwasan ang hindi kinakailangang paggastos ngayong taon. Maaaring mas mara­ming regalo o perang matatanggap kung ikaw ay nakasuot ng berde.

Tinta na Itim o Ink Black – alam n’yo ba na karaniwan ay itim ang kulay ng mga gobyernong sasakyan sa China dahil ang kulay na ito ay nagrerepresenta ng kapangyarihan at katiyakan. Kung ikaw ay nararamdaman na nabibigatan ngayong linggo, ang isang itim na damit ay maaaring maging pinakamainam na isuot.

Haring Asul o Royal Blue ay kumakatawan ng tiwala at pag­hilom sa kultura ng mga Tsino. Magandang magsuot ng kahit anong asul upang makilala ang mga bagong kaibigan. Ang mga nais makipag-ayos sa mga dating kaibigang naging kaaway ay maaari ring magsuot ng asul.

Ang magandang kapalaran ay maaaring mapabuti ang ating kalusugan, relasyon, at oportunidad. Bagama’t bawat araw ay pagkakataon pa rin para gawing mas maganda ang ating buhay sa pamamagitan ng pagpapabuti ng ating kapalaran.