Home OPINION MGA BARANGAY SA NORTHERN SAMAR MALAYA NA SA NPA

MGA BARANGAY SA NORTHERN SAMAR MALAYA NA SA NPA

INIULAT kamakailan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na ang Northern Samar ay nakalaya na sa kuko ng mga pesteng rebeldeng mga komunistang-teroristang CCP-NPA-NDF.

Meaning, ang lahat o 100 percent ng mga barangay doon ay di na kailanman maiimpluwensyahan ng mga pesteng ito.

“These barangays are now CTG-influenced free, wala ng mga guerrilla fronts dito ayon sa Philippine Army ,” ang pag-uulat ni Abalos.

At ayon na rin sa Army, kahit na may naiispatan pang mga umaalialigid na mga galamay ng New People’s Army sa ilang parte ng probinsiya, hindi na ito makakukuha pa ng suporta ng mga barangay na dati nadaraan nila sa takot at panloloko.

Si Abalos ay napunta roon, partikular na sa Catarman, Northern Samar dahil pinangunahan niya ang pamamahagi ng mahigit P160K na halaga ng livelihood at financial assistance sa ilalim ng DILG-administered Enhanced Comprehensive Local Integration o E-CLIP program sa labing-anim na mga dating rebelde o miyembro ng CPP-NPA-NDF.

Bale nabigyan ang 16 na dating rebelde ng P15,000 na agarang tulong at P50,000 livelihood assistance. Meron pang firearm remuneration, ‘yun bang may kapalit na halaga, kung sila ay makapagsusuko rin ng armas.

Pinahalagahan din ni Abalos at ipinangako ang pagbababa ng mga pangangailangan ng mga tagaroon gaya ng malinis na tubig, kuryente, silid-paaralan, sementadong kalsada na makatutulong sa pagmamantiÀ8a ng kapayapaan sa lugar at makakapagbigay kaunlaran.matapaos palayain ng Army sa mga pesteng CPP-NPA-NDF.

“Mahirap kapag papabayaan na lang natin ang isang barangay ‘pag alis ng mga pulis at army. We can only achieve this peace by having this kind of interventions sa grassroots mismo –kalye, tubig, kuryente, eskwelahan,” ang paliwanag ng kalihim.

Kailangan kasi magkaroon ng pagkatuloy-tuloy ang maayos na pamumuhay ng mga tagaroon sa pagsisikap ng administrasyon ni Pangulong Marcos magkaroon ng pambansang kapayapaan.

Kaya naman sinasaluduhan natin si Secretary Abalos at Northern Samar Governor Edwin Marino C. Ongchuan sa kanilang pamimigay ng tulong sa mga naligaw nang landas na kanilang mga kababayan.

Ang Northern Samar provincial government, nga pala ay nagbigay ng P30,000 para sa remuneration for firearms; pabahay, at sakahan at naglaan ng P350 kada araw na sweldo para sa mga dating rebelde na magtratrabaho sa mga bukirin.

Eh saan pa kayo? Susuko o makikipag-laban pa ba sa pamahalaan?