Home NATIONWIDE LPA malabong maging bagyo – PAGASA

LPA malabong maging bagyo – PAGASA

104
0

MANILA, Philippines – Malabong mabuo bilang bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras ang low pressure area na nasa 40 kilometro silangan,timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Inaasahang magdadala ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang LPA sa Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands at Surigao del Norte ngayong Miyerkules, Hulyo 17.

Inaasahang tatawirin ng LPA ang Southern Luzon at palalakasin ang Habagat sa Huwebes at Biyernes.

Sa Huwebes, magdadala ang LPA ng 50-100mm ng ulan sa Bicol region, MIMAROPA, Quezon, Laguna, Batangas, Western Visayas, Negros Occidental, northern portion ng Cebu, Biliran, Leyte, Samar at Northern Samar.

Kaparehong dami ng ulan din ang makakaapekto sa MIMAROPA, Batangas, Western Visayas at Negros Occidental sa Biyernes. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here