MANILA, Philippines – May mataas na posibilidad na maging bagyo sa loob ng 24 oras ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility, ayon sa PAGASA nitong Biyernes.
Sa ulat ng ahensya alas-4 ng madaling araw, ang LPA ay namataan 150 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
“Kung magiging tropical depression ang LPA, agad na itataas ang Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Gitna at Hilagang Luzon,” babala ng PAGASA.
Inaasahan ang maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, Laguna, Quezon, Rizal, Camarines Norte, at Camarines Sur. Magdudulot din ng pag-ulan ang Habagat sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. RNT