Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo; Luzon, Visayas uulanin sa...

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo; Luzon, Visayas uulanin sa easterlies

318
0

MANILA, Philippines – May katamtamang posibilidad na maging bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Southern Mindanao ngunit nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Martes.

Sa ulat ng ahensya alas-4 ng madaling-araw, ang LPA ay huling namataan 1,785 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao.

Ayon sa PAGASA, “patuloy naming minomonitor ang low pressure area, na may medium chance na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.”

Posibleng pumasok sa PAR bago matapos ang linggo ang naturang sama ng panahon at papangalanang “Ramil” kapag nangyari ito.

Samantala, easterlies pa rin ang nakaaapekto sa Luzon at Visayas, kaya asahan ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, at pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, at ilang bahagi ng Hilaga at Gitnang Luzon.

Mananatiling mahina hanggang katamtaman ang hangin at alon sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here