Home HOME BANNER STORY LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo sa loob ng 24-oras

LPA sa labas ng PAR, posibleng maging bagyo sa loob ng 24-oras

1
0

MANILA, Philippines – Mataas ang posibilidad na maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA nitong Martes.

Alas-8 ng umaga, tinatayang nasa 1,760 kilometro silangan ng Eastern Visayas ang LPA at kumikilos pahilaga-hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Ayon sa PAGASA, posibleng pumasok sa PAR ang LPA sa mga susunod na araw.

Kapag naging tropical depression ito habang nasa loob ng PAR, bibigyan ito ng lokal na pangalang Queenie. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here