Home METRO LRT 1 extension sa Cavite, pitong taon pa bago maging fully operational

LRT 1 extension sa Cavite, pitong taon pa bago maging fully operational

MANILA, Philippines – Posibleng abutin pa ng dalawang taon ang huling phase ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) na nagdurugtong sa Metro Manila at Cavite at maging fully operational sa loob ng pitong taon, o 2031.

Sa site inspection sa LRT 1 Dr. Santos station sa Parañaque nitong Biyernes, Hunyo 7, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na 94% ng right-of-war para sa phase 2 at phase 3 ng LRT 1 Cavite extension project ang ‘secured’ na.

Ang ikalawang phase ay binubuo ng Las Piñas station at Zapote station habang ang ikatlong phase o huling phase ay sa Niog station.

Ani LRT 1 private operator Light Rail Manila Corp. general manager Enrico Benipayo, tinatrabaho na rin nila ang paglilipat ng mga water at electric line na daraanan ng riles bago magsimula sa konstruksyon.

Ang unang phase ng linya ay posibleng maging operational sa huling bahagi ng taon. Ito ay 98.2 percent nang tapos hanggang nitong Abril.

Pasok dito ang limang istasyon, ang Redemptorist, MIA, Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos.

“The nearing completion of the LRT 1 Cavite Extension phase 1 is a testament to the government and private sector’s commitment to improving public transportation in the country,” ani Benipayo. RNT/JGC