Home NATIONWIDE Recto sa panawagan sa POGO ban: No objection

Recto sa panawagan sa POGO ban: No objection

MANILA, Philippines – Hindi tututol si Finance Secretary Ralph Recto sa mga panawagan na ipagbawal na ang Philippine offshore gaming operators (Pogos) sa bansa.

Sa ambush interview nitong Biyernes, Hunyo 7, tinanong si Recto kung ano ang pananaw niya sa usaping ito, kasunod ng kabi-kabilang balita na kinasasangkutan ng mga POGO sa mga hinihinalang kaso ng human trafficking, money laundering, online scams, at iba pang illegal na aktibidad.

“It is within the right of the lawmakers to talk about a ban on Pogos. I have no objection to that,” ani Recto.

“In Batangas, there are no Pogos,” dagdag pa ni Recto, lugar kung saan nagsimula ang kanyang karera bilang kongresista.

Nang tanungin kung sasabihin niya ang isyung ito sa economic team ng Marcos administration, sinabi ni Recto na plano niyang sabihin ito sa grupo “at the appropriate time” ngayong taon.

“Today, a lot of Pogos are not really Pogos. They are doing something else but we generalize and call on all the Pogos, so that must be studied carefully. I have to consult also with the Pagcor (Philippine Amusement and Gaming Corp.) as to how much they are earning there,” pahayag ni Recto.

Noong Pebrero 2020, nang senador pa lamang siya, inihain ni Recto ang panukalang magpapataw ng 30 percent income tax at 5 percent franchise tax sa mga POGO. RNT/JGC