Home NATIONWIDE Guo iimbestigahan ng BIR sa tax evasion

Guo iimbestigahan ng BIR sa tax evasion

Kuha ni Cesar Morales l Remate File Photo

MANILA, Philippines – Iimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ang kanyang mga kompanya sa posibleng kaso ng tax evasion, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. nitong Biyernes, Hunyo 7.

Ani Lumagui, makikipag-ugnayan ang BIR sa pagdinig ng Senado laban kay Guo, na naging kwestyonable ang kanyang nasyonalidad at mga kayamanan, kasunod ng raid sa isang Philippine offshore gaming operator (Pogo) company sa ari-arian na siya mismo ang nagmamay-ari.

“I have commanded the whole BIR to cooperate with the Senate and look into the mentioned names of individuals and entities as well as their accumulated wealth,” saad sa pahayag ni Lumagui.

Ngayong linggo, sinabi ng isang opisyal mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na inihahanda na ang tax evasion case laban sa alkalde.

Iimbestigahan din ng BIR ang mga indibidwal at entities na binanggit sa mga pagdinig sa Senado.

“If the BIR finds that tax evasion has been committed, the BIR will proceed with all necessary enforcement activities, including the potential filing of tax evasion cases,” ayon kay Lumagui.

Susundin ang due process sa imbestigasyon kasabay ng pagbusisi kung tugma ba ang mga kinita sa halaga ng mga ari-arian na nakuha sa kaparehong taxable years.

Kung hindi tutugma ay maghahain ng criminal tax evasion case ang BIR laban sa mga lalabag.

“The same charges can be filed against conspirators and the corporate officers of the companies used to amass such wealth,” ayon kay Lumagui. RNT/JGC