Home NATIONWIDE Bulkang Taal nakapagtala ng phreatic eruption – PHIVOLCS

Bulkang Taal nakapagtala ng phreatic eruption – PHIVOLCS

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado, Hunyo 8 na muling nakapagtala ng steam-driven o phreatic eruption sa Bulkang Taal sa Batangas.

Sa 24-hour monitoring bulletin, ang phreatic eruption ay tumagal ng dalawang minuto at nagkaroon ng limang volcanic tremors na tumagal ng tatlo hanggang 608 minuto.

Ang phreatic eruption ay kasunod ng dalawang araw na pagtaas sa degassing activity ng Taal.

Nagbuga naman ng 11,072 tons ng volcanic sulfur dioxide ang main crater ng Taal at nakitaan din ng vog o volcanic smog.

Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito sa 18,638 tons na naitala noong Marso 28.

Nananatili naman sa Alert Level 1 ang babala sa Bulkang Taal. RNT/JGC