Home NATIONWIDE Volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon dumami – PHIVOLCS

Volcanic earthquakes sa Bulkang Kanlaon dumami – PHIVOLCS

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang PHIVOLCS ng bahagyang pagtaas sa seismic activity sa Bulkang Kanlaon, matapos ang 19 na bagong volcanic earthquakes.

Ang naturang bilang ay mas mataas ng lima kumpara sa 14 na naitala nitong Biyernes, Hunyo 7.

Nananatilis sa Alert Level 2 ang babala sa Bulkang Kanlaon o nangangahulugan ng “increased unrest.”

Sa kabila ng bahagyang pagtaas sa naitalang volcanic quakes, mas mababa pa rin ito sa 53 volcanic quakes na naitala noong Hunyo 4, o araw matapos sumabog ang bulkan.

“Mas marami itong nang kaunti, bahagyang mas marami na na-record natin previously,” sinabi ng PHIVOLCS sa panayam ng DZBB.

Nang tanungin kung hudyat ba ng muling pagsabog ng Kanlaon ang mga volcanic quakes, tugon ng ahensya:

“Yes, there’s still the possibility na magkakaroon ng mass eruption… or there could be smaller phreatic eruptions.”

Bukod sa 19 volcanic earthquakes, sinabi ng PHIVOLCS na nagbuga rin ang bulkan ng 1,500 meter plume. RNT/JGC