Ito ang stroke na ginagamit ni Luis Manzano, mapapayag lang niya ang asawang si Jessy Mendiola na sundan na nila si Baby Peanut.
After all nga naman, one year old na ang kanilang supling.
Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, Jessy was asked if plans are underway para sundan ang kanilang firstborn.
Walang kagatul-gatol na sagot ni Mrs. Manzano: “Malapit na!”
If she had her way daw talaga, mas gusto ni Jessy na magkaroon ng maraming anak.
“Mga ilan, if ever?” Boy probed.
“Lima!” walang kabakel-bakel sa tugon ng aktres.
Ano nga ba ang palatandaan na gusto na rin ni Luis na masundan si Baby Peanut.
Kuwento ni Jessy, lagi raw kasing kinakausap ng kanyang mister ang anak, ‘Gusto mo na bang maging ate, anak?'”
In their private convo ay napag-uusapan na rin daw ng mag-asawa na magkaroon ng karagdagan sa kanilang pamilya.
Samantala, habang lumalaki si Baby Peanut ay lalo itong nakakahawig ng kanyang momskie na si Vilma Santos.
Jessy has a ready explanation for that.
Habang ipinagbubuntis naman daw kasi niya si Baby Peanut until she gave birth ay ang biyenan niya ang kanyang laging kasama, since her parents weren’t around.
Ang mother-in-law din daw ang nakikita madalas ni Baby Peanut.
No wonder, ganoon na lang din ang sobrang attachment ni Ate Vi sa kanyang apo na “baby version” niya. Ronnie Carrasco III