Home NATIONWIDE Luistro: Impeachment hearing ‘di pagpapahiya kay VP Sara, bahagi ng proseso ng...

Luistro: Impeachment hearing ‘di pagpapahiya kay VP Sara, bahagi ng proseso ng pananagutan

95
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni House Justice Committee Chairperson at Batangas Rep Gerville Luistro na walang intensyon ang Kamara na ipahiya si Vice President Sara Duterte sa gitna ng mga pagdinig ukol sa impeachment complaint laban dito.

Ayon kay Luistro, ang ginagawa ng komite ay simpleng pagtupad sa kanilang tungkulin, ito ay aksyunan ang complaint at alamin kung may sapat bang basehan o “probable cause” para umusad ang reklamo.

Depensa ni Luistro, para magampanan ang kanilang tungkulin ay kailangan magsagawa ng clarificatory hearings at kung kinakailangan.gumamit ng mga legal na paraan tulad ng pag-isyu ng subpoena.

“Sa lahat po rin sambayang Pilipino, ito pong aming ginagawang ito ay hindi pagpapahiya sa ating VP. Ito po’y bahagi ng impeachment process. Kami po ay may trabahong i-determine kung may sapat na dahilan upang umusad ang impeachment process. Kaya kailangan po namin mag-conduct ng clarificatory hearing,” ani Luistro.

Binigyang-diin din nito na ang ginagawa ng Kamara ay hindi pa pormal na paglilitis dahil hawak ito ng Senado, aniya, maaaring matuloy sa trial ang impeachment o mabasura depende sa rekomendasyon at boto sa House Plenary.

Para kay Luistro, mahalagang bahagi ng demokrasya ang impeachment, aniya, isa itong paraan para masiguro na ang mga opisyal ng gobyerno ay nananagot sa taumbayan, at kung mapatunayang nagkasala, maaari silang matanggal sa puwesto at mapigilang muling makabalik sa kapangyarihan. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here