MANILA, Philippines – Binabantayan na rin ng Bureau of Customs (BOC) ang mga luxury cars na konektado sa mga opisyal na Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ay matapos ibunyag sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa mga maanomalyang flood control projects ng DPWH na ilang opisyal nito ang nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan.
Ang pagmamay-ari ng mamahaling sasakyan ng umano’y mga DPWH officials na sangkot sa kontrobersyal na proyekto ay susuriin ng BOC kung nagbayad ng tamang buwis.
Samantala, umabot na sa 30 sasakyan na konektado sa pamilya Discaya nasa kustodiya na ng Customs.
Sa ngayon ay inaalam na ang tax liabilities habang nagbabala rin si Nepomuceno na mananagot ang sinumang mapapatunayang lumabag sa anti-smuggling laws ng bansa. (Jocelyn Tabangcura- Domenden)