Home HOME BANNER STORY Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Lunes

Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Luzon Grid sa yellow alert status ngayong Lunes, Mayo 6, kung saan mahigit 15 planta ang nananatili sa forced outage habang 30 lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng “danger” levels ng init.

Sa abiso, sinabi ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na ilalagay ang Luzon Grid sa ilalim ng yellow alert — nangangahulugang ang operating margin ay kulang upang tugunan ang contingency requirement ng transmission grid— mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon ngayong Lunes.

Ang available capacity ng grid ay naitala sa 15,167 megawatts, kumpara sa peak demand na 13,714 megawatts. RNT/SA