SA gitna ng kabi-kabilang hamon ng inflation at tumataas na presyo ng bilihin, isang mahalagang inisyatibo ang ipinamalas ng Social Security System (SSS). Sa halip na maghintay sa orihinal na schedule, ang SSS na mismo ang gumawa ng hakbang upang mas mapaaga ang nakatakdang pension increase sa ilalim ng kanilang Pension Reform Program.
Inisyatibong Mula September patungong June
Dati-rati, nakatakda ang dagdag-benepisyo sa September 2026. Ngunit sa isang mahalagang desisyon na pinangunahang ni SSS President at CEO Robert Joseph de Claro, iniusog ito sa June 2026. Ang tatlong buwang itinalon ng schedule ay isang malaking tulong para sa ating mga pensioners. Ipinapakita nito na ang ahensya ay hindi lamang naghihintay sila.
Aktibong gumagawa ng paraan para maibsan ang hirap na dulot ng taas-presyo ng langis at enerhiya.
Ang inisyatibong ito ay direkta at mabilis na tugon para sa ating mga vulnerable sectors. Narito ang breakdown ng mga madaragdag sa kanilang buwanang pensyon:
* Retiree Pensioners: Makakatanggap ng 10 porsyentong dagdag.
* Surviving Spouses at PWD Pensioners: May nakalaang 5 porsyentong dagdag para sa death at survivor benefits.
Tinatayang Php6.5 bilyon ang ilalabas ng SSS mula Hunyo hanggang Agosto 2026 para pondohan ang maagang dagdag- benepisyong ito.
Ang maagang pagpapatupad ng pension increase ay bahagi ng mas malawak na istratehiya ng SSS upang mapanatili ang purchasing power ng mga Pilipino.
Sa pamamagitan ng pagkukusa ng SSS na baguhin ang kanilang “policy enhancements,” masisiguro na ang ating mga lolo, lola, at mga kapatid na may kapansanan ay may sapat na kakayahan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng gamot at pagkain.
Hindi lang ito tungkol sa pera; ito ay tungkol sa mas agresibong reporma sa serbisyo.
Ang inisyatibong ito ay kaakibat ng mas mabilis na digitalization at mas madaling proseso ng pag-akses sa mga benepisyo.
Ipinapakita ng SSS na sa ilalim ng tamang pamamahala, ang social protection ay dapat maging inklusibo at laging handang rumesponde sa tawag ng panahon.
Ang hakbang na ito ng SSS na agahan ang pension increase mula September patungong June ay isang ehemplo ng tunay na malasakit. Hindi na kailangang maghintay ng matagal na panahon ang ating mga pensioners; dahil sa pagkukusa ng SSS, ang ginhawa ay mas mabilis na darating sa mga pamilyang Pilipino.






