Home OPINION MABABANG KALIDAD NA PRODUKTO IBINEBENTA SA INTERNET – DTI

MABABANG KALIDAD NA PRODUKTO IBINEBENTA SA INTERNET – DTI

291
0

NASA mahigit 18,000 na reklamo mula sa mga mamimili ang naitala ng Department of Trade and Industry (DTI) sa unang anim na buwan ng 2025, kabilang na ang mga isyu sa mga produktong nabili online.

Sa budget briefing ng kagawaran sa House Committee on Appropriations, inamin ni secretary Cristina Roque na marami sa mga ibinebentang produkto sa internet ay substandard o ma­baba ang kalidad.

Kaya bilang tugon ay inilunsad ng DTI ang e-Commerce Phi­lippines Trustmark, isang digital badge na magsisilbing garantiya upang matukoy ng mga mami­mili kung lehitimo ang isang online seller.

“Marami talagang produktong ibinebenta online na hindi pumapasa sa pamantayan. Kaya inilunsad ang trustmark para kahit paano ay makatiyak ang publiko na may pagbusisi ng DTI,” ani Secretary Roque.

Sa kasalukuyan, boluntar­yo pa lamang ang pagkuha ng trust­mark para sa mga online seller. Subalit ito ay magiging obli­gatoryo kapag ganap nang ipinatupad ang Internet Tran­sactions Act o ang Republic Act No. 11967.

Ang proposed budget ng DTI at attached agencies nito para sa 2026 ay nasa Php 12.4 billion pesos, mas mataas ng 16 pors­yen­to kumpara sa kasalukuyang Php 10.7 billion pesos.

Bahagi nito ay para sa promosyon ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado.

Mula sa kabuuang 18,494 reklamo, nasa 3,500 ang na­ayos sa pamamagitan ng mediation, habang 14,000 ang inendorso sa iba’t ibang tanggapan o kaukulang ahensya para sa ka­rampatang aksyon.

Ayon sa DataReportal 2025, mahigit 65 porsyento ng mga Filipino ang aktibong bumibi­li online, at ang e-commerce market ay tinatayang aabot sa Php 1.3 trillion pesos ang kita ngayong taon. Pinakapopular na kate­gorya ng mga produkto ay fashion, electronics, health and beauty, at household items.

Isa sa pinakamalaking ha­mon sa e-commerce sa bansa ay ang paglaganap ng mga pe­keng produkto at online scams, na nagiging sanhi ng pagbaba ng tiwala ng mga mamimili.

Sa kabila nito, nananatiling isa ang Pilipinas sa may pina­kamabilis na paglago ng e-commerce sa Asya, lalo na sa tulong ng mga platform kagaya ng Sho­pee, Lazada, at TikTok Shop.

Isinusulong din ng pamaha­laan na magkaroon ng mas istriktong regulasyon at registration system para sa mga onli­ne seller, upang maprotektahan ang parehong negosyo at mami­mili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here