Home NATIONWIDE Mabilisang pagbibigay ng tulong sa epekto ng tumataas na presyo ng langis,...

Mabilisang pagbibigay ng tulong sa epekto ng tumataas na presyo ng langis, ipinag-utos ng Malakanyang

158
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Malakanyang sa mga ahensiya ng gobyerno na ikasa na ang assistance programs habang pinaiigting ng gobyerno ang koordinasyon para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.

Ito ang napagkayarian matapos na pulungin ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga frontline agencies kasunod ng naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang whole-of-government response sa epekto ng sumirit na presyo ng langis.

Sa nasabing miting, araw ng Lunes, Marso 16, inatasan ni Recto ang Department of Budget and Management (DBM) na agad na ipalabas ang cash assistance para sa mga transport drivers sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinag-utos din nito sa Department of Transportation (DOTr) na bilisan at palawigin ang relief measures, kabilang na ang Libreng Sakay program, para pagaanin ang paghihirap ng mga mananakay, manggagawa at estudyante.

Kabilang din sa karagdagang hakbang ang tiyakin ang toll fee discounts para sa public utility vehicles at bawasan ang ilang aviation charges para makatulong na mapababa ang airline costs at pamasahe.

Sa kabilang dako, sinabi ni Recto na makatatanggap din ng fuel assistance o ayuda sa mga magsasaka at mangingisda, tinukoy ang mabigat na pagsandal ng food production sa langis.

“Ito ang utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang kanyang direktiba ay madaliin ang pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda,” ayon kay Recto.

Aniya, may P10-billion fund ang gagamitin para suportahan ang mga magsasaka at mangingisda na apektado ng tumataas na fuel prices.

Sinabi pa ni Recto na ang modernong pagsasaka at pangingisda ay umaasa lamang sa fuel-powered equipment at vessels, dahilan para ang mga sektor na ito ay maging vulnerable sa fuel price hikes.

“And fishermen no longer paddle out to sea… that is why as much as 75 percent of the market price of fish represents fuel cost,” aniya pa rin.

Layon ng hakbang na ito ay para pigilan ang fuel inflation mula sa nakaambang na pagsirit ng presyo ng pagkain.

“We know that fuel inflation can trigger food inflation. That is what we are trying to mitigate,” ang sinabi ni Recto.

Nagbabala naman si Recto na ang limitadong fuel supply para sa mga mangingisda ay maaaring makabawas ng kanilang huli at maaaring tumaas ang presyo ng isda.

Inatasan naman ni Recto ang Department of Agriculture (DA) na ipatupad ang subsidy program at tiyakin na matatag ang food supply, partikular na ang bigas.

Winika ni Recto na pinakikilos na ng gobyerno ang lahat ng ahensiya para tugunan ang krisis at protektahan ang mga consumers.

Samantala, kasama naman sa nasabing miting sina DSWD Secretary Rex Gatchalian, DOTr Secretary Giovanni Lopez, DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., at DBM Secretary Rolando Toledo.

“The coordinated response, is meant to ensure that assistance reaches affected sectors quickly while keeping prices stable amid global uncertainties,” ayon kay Recto. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here