Home METRO Mag-asawa, anak at 1 pa nahulihan ng P1.5M shabu

Mag-asawa, anak at 1 pa nahulihan ng P1.5M shabu

186
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Halos umaabot sa mahigit P1.5 million ang halaga ng nasamsam na illegal na droga sa mag-asawa’t anak at isa pang adik sa tatlong magkakahiwalay na pinagsanib na pwersa ng PDEA at PNP anti-drug operation ng madaling araw sa Muslim compound sa Centro 10 dito sa nasabing Lungsod.

Sa ipinarating na ulat kay PBGen. Antonio Marallag Jr., Regional Director ng Police Regional Office 02 o PR02, ang bulto ng shabu ay nakuha sa bahay ng mag-asawang suspek na itinago sa mga pangalang Rod, 68 anyos at Donna, 67 anyos.

Pasado alas dos ng madaling araw nang halughugin ng mga otoridad na family business na ng tatlo sa mga suspek ang pagbebenta ng illegal na droga.

Maliban sa mag-asawang Rod at Donna nahuli din ang kanilang anak na si Marco, 41 anyos, kung saan nakuha ng operating troops ang bulto ng shabu na umaabot ng halos 100 grams at nagkakahalaga ng P680K.

Ang isa namang suspek na itinago sa pangalang Cris, 27 anyos, empleado sa isang mall dito sa naturang Lungsod ay nakuhanan ng nasa humigit kumulang 15 grams ng shabu na may market price na P102K.

Napag-alaman na ang transaksiyon ng mag-aamang Rod, Donna at Marco ay idinadaan ang bayaran sa pamamagitan ng Gcash na ang mga inoorder na illegal na droga na galing sa Kalakhang Maynila.

Wala ring personal contact sa bentahan imbes ibinabagsak na lang ang mga kontrabando sa isang lugar kung saan pipik-apin na ng retailer o mga street drug pushers.

Matagal na sumailalim sa surveillance operations ang mga suspek kung saan itinuturong sila ang supplier ng mga ibinebentang droga sa siyudad ng Tuguegarao at mga kalapit bayan.

Kung saan ay ikinanta ng mga naunang naarestong suspek ang pangalan ng mga ito na silang source o distributor ng mga ibinebentang shabu dito sa lungsod.

Nahaharap ang mag asawa’f anak at isa pang adik sa kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here