Arestado ang mag-asawang kinilalang sina alyas Andres at Marites, at ikalawa at pangatlo sa most wanted person sa rehiyon ng Mimaropa, sa lalawigan ng Rizal nitong Miyerkules.
Ang pag-aresto ay ginawa ng Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) ng CIDG sa labas ng San Mateo Hall of Justice.
Nahaharap sa arrest warrant ang mag-asawa para sa large-scale illegal recruitment, syndicated estafa, at trafficking-related offenses na inisyu ng Puerto Princesa City Regional Trial Court.
Walang inirekomendang piyansa para sa kanilang mga kaso.
Ipinaalam sa kanila ang kanilang mga karapatan at dinala sa kustodiya para sa wastong dokumentasyon. Sinabi ni CIDG chief Brig.
Hinimok ni Gen. Nicolas Torre III ang publiko na maging maingat sa mga mapanlinlang na alok sa trabaho. RNT