Home OPINION MAG-INGAT SA PAKIKITUNGO SA IBANG BANSA

MAG-INGAT SA PAKIKITUNGO SA IBANG BANSA

157
0

DAPAT maging maingat ang sinomang opisyal ng ating bansa sa pakikitungo sa ibang mga bansa, kahit pa sa mga bansang mayroon tayong iringan gaya ng Tsina.

Ito’y para maiwasan ang paglala ng mainit na relasyon patungo sa giyera na ikapapahamak ng higit na nakararaming Pinoy.

Hangga’t maaari, iwasan nating mangyari ang nagaganap sa Ukraine at Russia na may durugan sa isa’t isa na ikinamatay na ng mahigit dalawang milyong katao, lalo na sa parte ng mga sundalo, pulis at iba pang mga taga-gobyerno.

Hindi lang nagiging sementeryo ang malalawak na bahagi ng Ukraine at Russia kundi katakot-takot na hirap at gutom, bukod sa kamatayan din, ang dinaranas naman ng madlang pipol.

Sa Russia at Ukraine, lahat nakararanas ng kamatayan, hirap at gutom sa kawalang pagkakataong magtanim o mag-alaga ng makakain, kawalan ng kuryente, kawalan ng tubig na maiinom, kawalan ng matitirhan sa apat nang taon at marami pang iba.

Isa pa, habang may tiyak na sahod at pagkakitaan ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan, maiiwan sa kawalan ang mga sibilyan.

Napakahirap ang giyera na kung iisipin pa, eh, may sulsol na ibang bansa sa iringan dahil sa pansarili nilang interes at hindi sa interes natin at malayo silang madamay sa giyera.

Gaya ng kasaysayan din, karaniwang tumatakbo sa ibang bansa ang matataas na opisyal natin na mahilig ipasubo ang maliliit na mamamayan sa giyera at pagkatapos uuwi silang sila ang mga bayani at hindi ang maliliit na namamatay, naghihirap at nagugutom sa giyera.

Ang mga giyera ngayon, hindi na katulad noong unang panahon na espada o pana o riple o ordinaryong kanyon bomba ang ginagamit.

Ngayon missile, drone at napakababagsik ng bomba ang gamit at ang masakit, wala tayo ng mga ito kapag tayo’y nakipaggiyera.

Mas masama pa sa basurahan at kangkungan tayo matatapon diyan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here