MANILA, Philippines – Nasa The Hague ngayon ang apat na anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang bisitahin ito na kasalukuyang naka-detain sa International Criminal Court (ICC).
Sa larawang ipinakita ni Davao Representative Paolo “Pulong” Duterte, makikita na kasama nito sina Vice President Sara Duterte, Davao City Vice Mayor Baste Duterte, at Kitty Duterte.
“We carry hope in our hearts that one day, distance will fade and we’ll be whole again with our father. We love you, Pa. #BringPRRDHome,” pahayag ni Paolo Duterte.
Matatandaan na inaresto si Duterte noong Marso 11 batay sa arrest warrant na inisyu ng ICC sa mga reklamong crimes against humanity na may kaugnayan sa mga pagpatay sa kanyang war on drugs nang siya ay mayor pa ng Davao City hanggang sa siya ay maging presidente ng Pilipinas.
Sa rekord, mayroong 6,000 drug suspects ang napatay sa operasyon laban sa illegal na droga, bagamat sinasabi ng human rights organization na umaabot pa sa 30,000 ang death toll dito. RNT/JGC