Home METRO Magnanakaw huli sa NE, mga ninakaw, nabawi

Magnanakaw huli sa NE, mga ninakaw, nabawi

230
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang suspek ng robbery at narekober ang ilang nakaw na gamit sa isinagawang hot pursuit operation sa Nueva Ecija nitong Linggo, Hulyo 6.

Ang suspek na kinilala sa pangalang “Lex,” 42, ng Barangay Mambangnan, bayan ng San Leonardo, ay naaresto dakong alas-7:30 ng umaga sa Barangay Singalat, Palayan City.
Ayon sa mga ulat, ninakawan niya ang isang 67-anyos na biktima na kinilalang si Fin, na nakatira rin sa San Leonardo, noong Hulyo 3.

Nagsagawa ng operasyon ang San Leonardo at Palayan City police stations, Nueva Ecija Provincial Intelligence Unit, at Regional Special Operations Group-Central Luzon.

Nakuha mula sa suspek ang USD1,900 (mga PHP106,400), PHP86,073.75, dalawang wedding ring na nagkakahalaga ng PHP40,000 bawat isa, isang relo na nagkakahalaga ng PHP400,000, at isang belt bag. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here