Home SPORTS BANNER STORY Magnitude 6.1 lindol yumanig sa hilagang-silangang Japan

Magnitude 6.1 lindol yumanig sa hilagang-silangang Japan

6
0

TOKYO, Japan – Isang magnitude 6.1 na lindol ang tumama sa hilagang-silangang Japan nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, nangyari ang lindol bandang 5:21 a.m. sa karagatang malapit sa Iwate Prefecture, sa lalim na humigit-kumulang 40 kilometro. Walang inilabas na tsunami warning.

Naitala ang lower 5 na lakas ng pagyanig sa ilang bahagi ng Aomori at Iwate prefectures.

Ayon sa mga awtoridad, walang naiulat na abnormalidad sa mga nuclear power plant sa Higashidori at Onagawa, pati na rin sa nuclear fuel reprocessing plant sa Rokkasho.

Ilang araw lamang ang nakalipas, isang magnitude 7.2 na lindol din ang tumama sa parehong rehiyon. Hindi bababa sa 10 katao ang nasugatan, naapektuhan ang bullet train, at pansamantalang nagsara ang ilang paaralan. Patuloy namang nagbabantay ang mga awtoridad sa posibilidad ng mas malalakas pang lindol sa mga susunod na araw. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here