Home NATIONWIDE Magpapakalat ng leaked private convos maaaring maharap sa cybercrime complaint – NBI

Magpapakalat ng leaked private convos maaaring maharap sa cybercrime complaint – NBI

171
0

MANILA, Philippines – Maaaring magsampa ng mga reklamo sa Cybercrime ang mga indibidwal na ang online private conversations ay nai-leak sa publiko, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ginawa ni NBI Director Jaime Santiago ang pahayag nang tanungin kung bawal ang pag-post ng mga screenshot ng pag-uusap sa social media para siraan ang isang indibidwal.

Pero ayon kay Santiago, depende sa apektadong indibidwal na may pribadong kombersasyon na isinapubliko kung nanaisin nilang managot ang mga nagpost sa naturang pag-uusap.

Sinabi ni Santiago na saklaw ng Cybercrime Prevention Act of 2012, na nagtatakda na maaaring magsampa ng mga reklamo sa NBI- Cybercrime Division o sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group.

Nagsagawa rin ani Santiago ang NBI ng maraming operasyon kaugnay sa mga ganitong pagkakataon kabilang ang mga may kinalaman sa mga utang. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here