Home NATIONWIDE Magsasaka, anak nakuryente patay!

Magsasaka, anak nakuryente patay!

135
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang magsasaka na magdiriwang na sana ng wedding anniversary matapos makuryente kasama ng kanyang anak sa Zone 8, Sitio Pigsulan, Barangay Kabacsanan, Iligan City nitong Huwebes, Oktubre 24.

Kinilala ni Iligan City Police Station 3 chief Police Major Rodulfo Arañador ang mga biktima na sina Bryan, 27, at Jasper Renegado, 9, estudyante na kapwa mula sa Barangay Digkilaan.

Ayon sa pulisya, pauwi na ang mga biktima matapos maghatid ng tuba nang mawalan sila ng balanse sa sinasakyang motorsiklo at tumama sa isang live wire sa gilid ng kalsada.

Nakuryente ang mga ito at namatay on the spot.

Sinabi ng mga awtoridad na malayo ang lugar, o nasa 20 kilometro mula sa main road. Wala ring internet o Wi-Fi signal sa lugar.

Anang asawa ni Regenado, pinagbawalan na niya ang kanyang anak na pumunta sa paaralan dahil sa masamang panahon. Sa kabila nito, sumama na lamang ang anak nito sa kanyang ama sa paghahatid ng tuba.

Magdiriwang na sana sila ng kanilang ika-siyam na wedding anniversary sa Oktubre 30 at plano pa naman sanang mamasyal kasama ng kanilang dalawang anak. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here