Home METRO Magsasaka itinumba sa bahay

Magsasaka itinumba sa bahay

MANILA, Philippines – Patay ang isang 52-anyos na magsasaka matapos siyang pagbabarilin sa mismong tirahan sa Barangay Tagbacan Ilaya, Catanauan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Sonny Luistro.

Sa imbestigasyon, sinabi ng kapitbahay ng biktima na nakarinig sila ng putok ng baril, Linggo ng gabi.

Nakita na lamang ng helper ng biktima ang katawan ng kanyang amo 7:30 ng umaga ng Lunes, Abril 29 at iniulat ito sa barangay kagawad na siya namang nagsabi sa mga pulis tungkol sa insidente.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktima.

Nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa insidente. RNT/JGC