QUEZON, Philippines – Patay ang isang 22-anyos na magsasaka at sugatan ang kasama nito habang naglalakad sa Barangay Pagdadamayan, San Narciso, Quezon noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gerald.
Ayon sa imbestigasyon, naglalakad sina Gerald at Christian, 22, nang dumating ang isang lalaking sakay ng motorsiklo.
Bigla silang pinagsasaksak ng suspek gamit ang fan knife at tumakas.
Idineklarang dead on arrival si Gerald sa isang medical facility dahil sa tama ng saksak sa leeg.
Samantala, isang 48-anyos na vendor ang binaril habang pauwi nitong Huwebes sa Barangay Manggalang 1, Sariaya, Quezon.
Nakasakay sa kanyang bisikleta ang biktimang si Salie nang siya ay mapatay.
Sinabi ng isang opisyal ng barangay na ang biktima ay hinihinalang tulak ng droga.
Nagpapatuloy ang follow-up na imbestigasyon sa dalawang kaso. RNT/MND